Central Park New York Casas Office

Bumili ng apartment sa New York

ANO ANG KAILANGAN NIYONG ITANONG SA INYONG SARILI BAGO BUMILI NG ISANG ARI-ARIAN

1 // Bakit kayo bumibili?

May magkakaibang mga dahilan para bumili ng real estate sa New York. Baka kayo'y mag-isang naninirahan dito o gustong magkaroon ng isang pied-a-terre para sa inyong sarili at inyong pamilya. O sakaling tinutulungan niya ang isang miyembro ng pamilya na bumili ng isang bagay. Bilang panghuli, baka ito ay para sa mga layunin ng pamumuhunan. Sa lahat ng mga kasong ito, maaari namin kayong tulungan sa inyong pagbili at ipaliwanag sa inyo kung ano ang mga salik na dapat niyong isaalang-alang. Tingnan ang 10 nangungunang dahilan para bumili ng isang apartment sa New York.

2 // Cash ba ang lahat ng ito o ninanais niyong gumamit ng pagtutustos (financing)?

Ang lahat ng mga cash na pagbili ay maaaring magresulta sa isang matatag na posisyon sa pakikipag-ayos o pakikipagtawaran sa nagbebenta. Gayunpaman, kapag lumalaki ang inyong pagbili naglilikha ito ng mga benepisyo sa buwis at karamihan sa mga dayuhang mamimili ay nakakakuha ng pagtutustos para sa mga ari-arian nang hanggang 70% ng presyo ng pagbili. Maaari rin kayong kumuha kaagad ng pautang (loan) pagkatapos ng inyong pagbili upang lubos na mapakinabangan ang pareho. Ang tipikal na mga kakailanganin sa pinakamababang pautang ay ang mga:

  • $10,000 na deposito sa bangko.
  • 30% paunang bayad o down payment (o higit pa).
  • Mga reserbang bayad para sa 12 buwan (bayad sa mortgage, pagmementena at mga buwis) ay maaaring ilagay sa bangko sa labas ng US.
  • 5-30 taon na nakapirmi o iba-ibang rate sa mga mortgage. Ang nai-aadjust na rate sa mga opsyon ng pagbabayad na interes lamang ay magagamit.

Ang mga co-op at ilang mga Condo ay nagpapanatili ng isang listahan ng mga nagpapautang na napaunang naaprubhan (pre-approved lenders). Ito ay listahan ng mga pinansyal na institusyon na pumirma ng isang kasunduan sa co-op para maipasa ang inyong mga share kung kayo'y hindi makakabayad sa pautang. Mayroon din kaming matibay na relasyon sa ilang mga broker ng mortgage na umaangkop sa mga pangangailangan ng isang dayuhang mamimili. Mangyaring punan ang aming contact form ng anumang karagdagang mga katanungan na mayroon kayo hinggil sa pagtutustos.

3 // Naihanda niyo na ba ang mga kinakailangang gawaing-pasulat (paperwork)?

Kapag bumibili ng isang condo ang talagang kailangan niyo lamang ay pera. Ang mga co-op ay kakaiba. Ang konseho ng Co-op ay malamang na hilingin ang sumusunod na dokumentasyon para sa pag-apruba. Ang broker niyo ay matutulungan kayong pagsama-samahin ito bago ang paghahanap niyo ng bahay upang hindi kayo mag-aksaya ng panahon kapag andyan na ang tamang apartment para sa inyo.

  • Sulat mula sa employer na nagsasaad ng posisyon, sahod at tagal ng empleyo
  • Huling dalawang katibayan ng sahod
  • Huling dalawang taon sa pagbayad ng buwis
  • Huling dalawang buwan ng statement ng bangko
  • Mga pangalan, propesyon at edad ng iba pang miyembro ng pamilya na naninirahan sa apartment.
  • Timbang, edad at litrato ng anumang alagang hayop.
  • Dalawang sulat ng personal na reperensiya
  • Dalawang sulat ng reperensiya sa negosyo
  • Beripikasyon ng iba pang mga asset gaya ng real estate, securities, atbp.
  • Litrato ng identipikasyon (lisensya sa pagmamaneho, pasaporte, atbp.)

4 // Ano ang mga gastos sa pagbili (purchasing costs)?

Ang magandang balita ay libre ang paggamit ng isang broker sa pagbili ng inyong bahay. Tama, HINDI niyo babayaran ang bayad sa broker. Sa ibang pananalita, ang aming mga serbisyo upang tulungan kayong bumili ng inyong apartment o bahay sa New York ay ganap na walang singilin! Sa sandaling natukoy na namin ang isang kawili-wiling apartment, ang mga gastos sa pagbili (purchasing costs) ay maaaring ang mga:

Babayaran ng nagbebenta:

  • Bayad sa broker
  • State Property Transfer Tax (0.4%)
  • City Property Transfer Tax (1% sa unang 500k, 1.425% pagkatapos)

Babayaran ng mamimili:

  • Mga bayarin para sa pagtatasa ng halaga (appraisal) at inspeksyon
  • Mga bayarin para sa paghahanap ng titulo at seguro (insurance)
  • Buwis sa Mansyon (1% para sa mga ari-arian na higit 1 milyon)
  • Mortgage origination fee and points (1%-4%)
  • Buwis sa pagtatala ng mortgage (1.75%-2.175%)
  • Abogado ng mamimili

5 // Paano ko hahanapin ang lugar?

Maaari kayong pumunta sa internet at subukang hanapin ang mga ari-arian na ipinagbibili sa iba't ibang website upang makakuha ng ideya. Gayunpaman, kung magpapasya kayong gawin ito nang sarili niyo lamang, isaisip na ang proseso sa paghahanap ng tamang lugar ay maaaring maging napaka-nakadidismaya at nakakaubos-oras. Ito ay dahil sa ang karamihan ng mga ari-arian sa New York ay iminamarket ng mga broker na miyembro ng REBNY, Real Estate Board of New York, na siyang nagsisiguro na ang mga bagong ari-arian na ipinagbibili ay ibinabahagi muna sa loob ng komunidad ng broker. Ang pagkakaroon ng tulad namin sa inyong tabi ay hindi lamang magbibigay sa inyo ng akses sa LAHAT ng mga apartment na nasa merkado, ngunit nauunawaan rin namin nang napakabuti kung ano ang dapat gawin upang masiguro niyo ang yunit kung ito'y gusto niyo. Sa isang makumpitensyang merkado, lubos na kailangan ang kumilos nang mabilis at daglian, kung kaya't nakakatulong na malaman ang mga patakaran ng pakikipag-ugnay bago pa man ang lahat.

6 // Gaano katagal inaabot para makumpleto ang pagbili?

Ang paghahanap ng isang lugar ay maaaring abutin nang ilang linggo hanggang sa mga taon, depende sa inyong mga partikular na ninanais at inyong kailangang petsa sa paglipat at pagtira. Pagkatapos niyong matukoy ang inyong bagong bahay, ngayon ay ang oras upang kumilos. Siguruhin na naihanda niyo na ang gawaing-pasulat (paperwork) at ang pera nang sa gayon ay walang sinuman ang makakaagaw ng inyong bagong bahay o pamumuhunan! Pagkatapos ay ito na ang oras para sa konseho ng condo o co-op na kayo ay aprubahan. Sa sandaling maaprubahan, hihilingin sa inyo na ideposito ang pera at kung bakante ang yunit, maaari na kayong lumipat kaagad. Ang kabuuang proseso ay karaniwang inaabot ng hindi bababa sa isang buwan, ngunit maaaring abutin nang mas matagal.

7 // Ano ang kaibahan sa pagitan ng isang Co-op at isang Condo?

Sa isang Condominium (Condo), ang may-ari ay nagmamay-ari ng isang indibidwal na apartment. Sa karagdagan, ang mamimili ay nagmamay-ari ng isang hindi nahahating interes sa mga karaniwang elemento tulad ng panlabas na mga dingding, bubong, languyan at iba pang mga lugar sa paglilibang. Sa isang proyektong pabahay ng kooperatiba (co-op), ang may-ari ay nagmamay-ari ng mga share na nasa kooperatiba na siya namang nagmamay-ari at nangangasiwa ng gusali.

Ang mga co-op ay karaniwang kailangan na ang pinagkukunan ng kita ng isang buyer ay dapat na mula sa U.S. at ang mga asset ay dapat na matatagpuan sa U.S. (kahit man lamang ang karamihan ng mga asset), dahil ang mga ito ay lubhang mga konserbatibong korporasyon. Kung sa anumang kadahilanan ang korporasyon ay idedemanda ang isang may-ari, magiging napakahirap na maging matagumpay sa litigasyon. Alinsunod dito, ang mga dayuhang mamimili ay hinihigpitan na bumili ng mga Condo (Mga condominium), Condops (Mga Coop na may patakaran ng Condo), at mga Townhouse. Ang mga mamimili, gayunpaman, ay may mas higit na mga karapatan kapag bumibili ng isang Condo, Condop o Townhouse kaysa kapag bumibili ng mga Coop, na napakahigpit rin sa paggamit ng ari-arian gaya ng pagpaparenta nito.

8 // Saan kayo dapat bumili?

Ito ay isang mahalagang katanungan. Kung napunta na kayo dati sa Lungsod ng New York, maaaring mayroon na kayong kagustuhan; ang katotohanan sa pagtira dito ay maaaring sobrang kakaiba. Maraming mga salik ang isinasaalang-alang, katulad lang: saan ang inyong trabaho o unibersidad? Saang paaralan mag-aaral ang inyong mga anak? Gaano kalaki ang apartment na hinahanap niyo? Anong uri ng lugar ang kampante kayo? Gugustuhin niyo bang parentahan ito sa hinaharap? At syempre, ano ang inyong badyet? Masaya kami na makinig sa inyong kuwento at tulungan kayong isaayos ang pagpapahalaga sa mga bagay.

9 // Kung pipiliin kong bumili, ano ang tipikal na mga buwanang gastos?

Para sa mga Condo, ang karaniwang mga singilin ay nasa mula $0.70 hanggang sa $1.25 kada piyeng kuwadrado kada buwan. Ang mga nasabing gastos ay kinabibilangan ng mga karaniwang lugar na pinaiinitan, koryente at paglilinis; tubig; basic cable; seguridad; seguro o insurance ng gusali; at ang operasyon ng mga kasangkapan sa gusali (fitness center, concierge, pool, playroom, atbp.). Sa itaas ng mga karaniwang singilin, dapat kayong magbayad ng mga Buwis sa Ari-arian (Property Taxes) na humigit-kumulang 0.1% ng natasang halaga - isang halaga na ibinibigay sa ari-arian ng pamahalaang lungsod.

Ang mga Co-op ay naniningil ng bayad sa pagmementena, na kinabibilangan ng lahat ng mga karaniwang singilin at buwis (na hindi hiwalay na binabayaran ng may-ari) at interes sa mortgage sa gusali, kung may anuman. Ang korporasyon ay maaaring may binabayaran pang mga mortgage sa gusali (para sa pagpapaayos ng bubong o iba pang dahilan) at ang interes ay ipapasa sa mga shareholder ng Coop. Kaya naman, madalas niyong makikita na ang mga singilin ng Coop para sa pagmementena ay maaaring mas mataas (kahit na pagkatapos maisaayos para sa mga buwis na kabilang sa mga bayad sa pagmementena), dahil ang mga Condo, ayon sa batas, ay hindi pinahihintulutan na kumuha ng utang.

10 // Ano na ngayon?

Batay sa mga patnubay sa itaas, dapat na mayroon na kayong ideya kung kayo ay isang mabubuhay na mamimili para sa real estate ng Lungsod ng New York. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng aming contact form at masaya kami na sasagot sa anumang mga karagdagang katanungan na maaaring mayroon kayo. O tumingin sa mga uri ng mga apartment na maaaring mahanap niyo sa New York..

10 nangungunang dahilan upang bumili ng apartment sa New York.