Central Park New York Casas Office

Magbenta ng apartment sa New York | New York Casas

Una lista de preguntas clave

ANG KAILANGAN NIYONG ITANONG SA INYONG SARILI BAGO MAGBENTA NG ARI-ARIAN

1 // Bakit kayo nagbebenta?

May sari-saring mga dahilan sa pagbebenta ng real estate sa New York. Sakaling kayo ay naninirahan dito nang mag-isa at nagnanais na lumipat sa isang mas malaking espasyo o sa isa pang bahagi ng bayan. O kayo ay sakaling lilipat ng lokasyon sa isa pang siyudad o bansa. Maaaring kayo ay may isang pamumuhunang ari-arian (investment property) na handa niyo nang gawing pera. Sa anumang kaso, tutulungan namin kayo sa mga pasikot-sikot ng pagbebenta ng inyong lugar at ipaliliwanag sa inyo kung ano ang kailangan upang magawa ang trabaho.

2 // Kailan niyo kailangang maibenta?

Kung ito ay ang inyong pangunahing tirahan, maaaring gusto niyo na mabenta ito sa loob ng isang tiyak na tagal ng panahon. Syempre ay maaapektuhan nito ang inyong estratehiya sa pagbebenta, kung saan ay maaari naming piliin na presyuhan ang ari-arian ayon sa antas na makapagpapataas ng higit na interes sa merkado sa paraang mas mabilis. Sa kabilang banda, maaaring walang pagmamadali at hahanapin namin ang tamang tao na pinaka-nagpapahalaga sa inyong apartment.

3 // Ano ang halaga ng inyong ari-arian?

Kapag nagbebenta ng inyong ari-arian, mahalagang magkaroon kayo ng ideya kung ano ang halaga nito. Kung ito ay prinesyuhan nang napakababa, maaari kayong mawalan ng potensyal na kita. Kung ito ay prinesyuhan nang napakataas, inilalaan niyo ang inyong sarili sa mga buwan ng pagbagsak presyo at pagkadismaya. Kung kaya't napakahalaga na magkaroon ng ideya sa kung ano ang handang ibayad ng mga potensyal na mamimili para sa inyong ari-arian. Kami, bilang ang inyong broker, ay tutulong na pagsama-samahin ang impormasyon na kailangan upang makagawa ng tamang desisyon, tulad ng:

    • Mga presyo ng maihahambing na mga ari-arian sa lugar • Mga presyo ng yunit sa parehong gusali • Pangkalahatang demand at supply • Mga rate ng interes, karaniwang mga singil at buwis

4 // Ano ang mga gastos sa pagsasara (closing costs)?

Babayaran ng nagbebenta:

    • Komisyon ng broker na 6% (Naisasaayos para sa mga ari-arian na nagkakahalaga ng ilang milyon) • State Property Transfer Tax (0.4% to 0.65%) • City Property Transfer Tax (1% sa unang 500k, 1.425% pagkatapos) • Abogado ng nagbebenta

Babayaran ng mamimili:

    • Mga bayarin para sa pagtatasa ng halaga (appraisal) at inspeksyon • Mga bayarin para sa paghahanap ng titulo at seguro (insurance) • Buwis sa Mansyon (1% hanggang 3.9% para sa mga ari-arian na higit 1 milyon) • Mortgage origination fee and points (1%-4%) • Buwis sa pagtatala ng mortgage (1.75%-2.175%) • Abogado ng mamimili

5 // Bakit dapat akong gumamit ng isang broker?

Maaari niyong ipaskil na ang inyong apartment ay ipinagbibili sa sari-saring mga website upang makapang-akit ng mga mamimili. Gayunpaman, kung magpapasya kayong gawin ito nang sarili niyo lamang, isaisip na ang proseso sa paghahanap ng tamang mamimili ay maaaring maging napaka-nakadidismaya at nakakaubos-oras. Dahil ang karamihan ng mga ari-arian sa New York ay iminamarket ng mga broker na miyembro ng REBNY, Real Estate Board of New York, na siyang nagsisiguro na ang mga bagong ari-arian na ipinagbibili ay ibinabahagi muna sa loob ng komunidad ng broker. Ang pagkakaroon ng tulad namin sa inyong tabi ay hindi lamang maimamarket ang inyong ari-arian sa LAHAT ng potensyal na mamimili, kami ay nagdadala rin sa inyo ng mga kwalipikadong mamimili at aming inihahanda ang lahat ng kinakailangan na gawaing pasulat. Sa isang aktibong merkado, mahalagang kumilos nang mabilis at daglian, at malaman ang mga patakaran ng pakikipag-ugnay bago pa man ang lahat.

6 // Anong mga dokumento ang kailangan kong pirmahan?

Kayo ay sasabihan na pumirma ng isang kasunduan ng "Eksklusibong Karapatan na Magbenta" (Exclusive Right to Sell). Ang ibig sabihin na ang listing broker ay mababayaran ng napagkasunduang komisyon maging sinuman ang nakapagdala ng mamimili. Bilang balik, ang listing broker ang siyang magsasagawa at magbabayad para sa lahat ng gastos sa marketing upang maakit ang pinakamaraming posibleng mamimili. Sa huling quarter ng 2012, halos inabot ng 6 na buwan sa pangkaraniwan para maibenta ang isang apartment sa NYC, ito ang dahilan kung bakit ang karamihan ng mga ahente ay ipagpipilitan ang pagiging eksklusibo nang 6 na buwan man lamang upang maging kumpiyansa na gawin ang trabaho.

7 // Ano ang pagkakaiba sa pagbebenta ng isang Co-op o isang Condo?

Sa isang Condominium (Condo), halos lahat ay maaaring bilhin ang inyong ari-arian. Minsan ay may magagaan na mga restriksyon hinggil sa pagtutustos, mga alagang hayop at pagpapaupa.

Kung kayo ay nagbebenta ng isang Co-op, ang konseho ng co-op ay baka hindi aprubahan ang inyong mamimili. Dahil sa proseso ng aplikasyon, ang pagbebenta ng isang co-op ay karaniwang inaabot nang mas matagal (2-4 na buwan).

8 // Kailan kayo dapat magbenta?

Ano ang gagawin ng merkado ngayong taon? Dapat ba kayong magbenta ngayon o parentahan ito? Kung kayo'y magbebenta, dapat ba kayong muling mamuhunan at saan? Kayo'y inaanyayahan na makipag-ugnay sa amin sa pamamagitan ng aming contact form at magiging masaya kami na ibahagi sa inyo ang aming kaalaman sa merkado.

9 // Kung pipiliin niyong kami ay makatrabaho, ano ang aming maiaalok?

Sa New York Casas, makakatrabaho niyo lamang ang may mataas ang pinag-aralan (university degree), mapag-alam at dedikadong mga tao. Ang aming brokerage ay may higit na isang dekada ng karanasan sa pagbebenta sa merkado ng New York. Higit pa rito, kapag pumipirma ng aming eksklusibong kasunduan sa listahan, kayo ay aabutan ng isang plano sa marketing para sa inyong ari-arian kasama ang aming patnubay na maging nasa pinakamainam na kondisyon ang inyong ari-arian. At ang pinakamahalaga, kami ay nagtatrabaho sa mga katapusan ng linggo at lubos naming pinagsisikapan na masiguro na ang bawat potensyal na mamimili ay titingnan ang inyong ari-arian.

10 // Ano ang susunod?

Batay sa mga kriteryang ito, mayroon na kayo ngayong ideya kung ano ang aasahan kapag nagbebenta ng inyong ari-arian sa Lungsod ng New York. Mangyaring makipag-ugnayan sa amin sa pamamagitan ng aming contact form at kami ay magiging masaya na sagutin ang anumang karagdagang mga katanungan.