Central Park New York Casas Office

Tungkol sa New York Casas

Ating Hanapin ang inyong pangarap na bahay sa Lungsod ng New York!

Tungkol sa New York Casas

"Ang New York Casas, Ltd ay itinatag noong 2012 sa panahong si Philip Hordijk ay iniugnay sa merkado ng real estate ng New York ang kanyang karanasan sa pandaigdigang pagnenegosyo. Sa pagiging dayuhan ng 20% ng mamimili sa Manhattan, wala silang lugar na pupuntahan kung saan sila ay makakahanap ng propesyonal at sopistikadong pagpapayo sa kanilang sariling wika.

Ang New York Casas, Ltd sa ngayon ay ang pinakaunang online real estate brokerage para sa mga dayuhan upang bumili, pangasiwaan at ibenta ang kanilang mga ari-arian sa Lungsod ng New York. Lumalago nang 100% taon-taon, ang New York Casas ay nakatakda na maging ang pinakanangungunang reperensiya para sa internasyonal na real estate ng lungsod.

Ang aming koponan ay binubuo ng mga ahente ng real estate mula sa lahat ng 6 na kontinente, na lahat ay nanirahan na sa New York nang hindi bababa ng 5 taon at nakapagsasalita ng ilang mga wika. Pinahahalagahan namin ang namumukod-tanging serbisyo, ang pinakamataas na antas ng pagtitiwala at isang isinapersonal na pag-aasikaso sa lahat ng aming ginagawa.

KAMI AY NAGMAMALASAKIT

Kailangan niyo ng mga tao na nakakaalam ng loob at labas ng NYC, at tunay na nagmamalasakit sa inyo at sa inyong mga layunin, maging ito man ay pamumuhunang ari-arian o pagmamay-ari ng isang bahay

AMING GINAGAWA KUNG ANO ANG KINAKAILANGAN

Upang matulungan kayong mahanap at/o pangasiwaan ang inyong pamumuhunang ari-arian sa NYC.

KAMI AY NAKIKINIG

Ang pagpapayo sa real estate ay isang negosyong pantao. Pinakikinggan muna namin ang inyong mga pangangailangan, at saka namin kayo dadalhin sa mga tamang lugar pagkatapos

KAMI AY NAKAPAGHAHATID

Aming pinahahalagahan ang namumukod-tanging serbisyo at hindi namin sasayangin ang inyong oras.

KAMI AY SAMA-SAMANG NAGTATRABAHO

Kami ay isang napagsanib na negosyo ng mga propesyonal ng real estate na ang bawat isa ay nagdadalubhasa sa espesipikong mga lugar sa Lungsod ng New York.

AMING SINASALITA ANG INYONG WIKA

Aming sinasalita ang inyong wika at nauunawaan kung paano manirahan nang maayos sa Lungsod ng New York.

MGA APARTMENT NA IPINAGBIBILI
MGA BAHAY NA IPINAGBIBILI
GITNANG PRESYO NG PAGBENTA
GITNANG PRESYO NG PAGRENTA

BALIK-PASALAMAT

Ang New York Casas ay nagpapasalamat sa kanyang mga kliyente at tagapagtangkilik, at ito ay lubos na nakatuon na sila ay suklian, sa pamamagitan ng paghahandog ng 10% ng kanyang kita sa isang kawanggawa na pinili ng kliyente. Bawat taon kami ay naghahandog sa dose-dosenang mga bagong kawanggawa sa buong mundo, kung kaya't tunay naming masasabi na ang aming negosyo ay may pandaigdigang epekto. Ito ay ang mga kawanggawa na kasalukuyan naming sinusuportahan:

tatama charity logoMadison Square charity logoDoctors without borders charity logo
lar dos velhinhos logoThe Citizens Foundation logoMercy for Animals logo
St Judes Childrens Hospital logoDirect Relief NGO logoThe White Helmets NGO logo
Jewish Center logoUnlikely Heroes NGO logoK Space Miami Logo
Amigos Agye LogoNew Docta LogoBrazil Foundation Logo