Central Park New York Casas Office

Ang 10 Sikretong Bar at Restawran sa New York

La Esquina Bar New York

1 //La Esquina

Matatagpuan hilaga ng Little Italy, ang La Esquina ay naghahain ng sariwa sa palengke na Awtentikong Mehikanong pagkain sa 3 natatanging espasyo na nasa iisang lokasyon.

Bisitahin ang site

2 //Wallflower

Ito ang pinakabagong restawran sa kanyang lugar, na may nakapagpapalagay-loob na tagpo, matatagpuan sa West Village ng NYC.

Bisitahin ang site

Wallflower bar New York
Back Room bar in New York

3 //Backroom

Ang Back Room ay isa sa dalawa lamang na ipinagbabawal na inuman (speakeasies) sa Lungsod ng New York na tumakbo noong panahon ng Prohibition at nananatili pa rin sa panahon ngayon. Ang bar na ito ay matatagpuan sa Lower East Side.

Bisitahin ang site

4 //Bathtub Gin

Matatagpuan sa Chelsea, ang pangalan ay para sa literal na interpretasyon. Ang menu ng pagkain ay likha ni Chef Joe Mallol mula sa Harry's Café and Steak at Vintry Wine and Whisky. Ang mga kakteyl ay likha ng kilala sa buong mundo na si Sean Muldoon mula sa Merchant Hotel sa Belfast UK.

Bisitahin ang site

Bathtub gin bar New York
Blind Barber bar in New York

5 //Blind Barber

Napakagandang bar sa East Village at napaka-awtentiko. Ang pasukan ay sa isang tunay na barberya, at ang bar ay lagpas lang sa isang pintuan sa loob ng establisyemento. Ang Blind Barber ay umaasang makalikha ng isang pagkakakilanlan na maglilinang ng personalidad; isang tatak at lugar kung saan ang malikhain ay dumarating upang maging inspirado at makapagbigay-inspirasyon din sa ibang mga tao.

Bisitahin ang site

6 //Please Don't Tell

Ang PDT ay matatagpuan sa East Village at kilala bilang isang cocktail-lounge at lugar ng hotdog para sa mga nasa hustong gulang.

Bisitahin ang site

Please don't tell New York
Burger Joint bar in New York

7 //Burger Joint

Para sa isang napakasarap na burger sa Lungsod ng New York, bisitahin ang nakatago sa eksenang lugar sa atrium lobby ng Le Parker Meridien Hotel , Midtown West.

Bisitahin ang site

8 //Attaboy

Dalawang matagal nang bartender mula sa Milk & Honey ay siyang gumagawa ng pinakamasarap na kakteyl sa bayan - walang menu. Ang Attaboy ay matatagpuan sa Lower East Side.

Bisitahin ang site

Attaboy bar New York
Old Rabbit bar in New York

9 //123 Old Rabbit Club?

Sa Greenwich Village, ang ipinagbabawal na inumang (speakeasy) ito na subterranean ay naghahain ng higit 70 serbesa, kabilang ang isang bilang ng napakabihirang serbesa ng Tsek at Aleman. Maaliwalas ito at tila kuweba.

Bisitahin ang site

10 //Est. 1986

Ang pinakatatagong sikreto ng Koreatown ay nakabaon sa loob ng madilim na Hotel Stanford sa 32nd Street, sa isang bulwagan sa ikalawang palapag. Ang bar na ito ay naghahain ng matatapang na hinalong inumin at isang magandang seleksyon ng mga alak na de-basong inihahain.

Bisitahin ang site

Est 1986 bar New York