Central Park New York Casas Office

Paano ba gumagana ang School Zoning System sa Lungsod ng New York?

// PAANO GUMAGANA ANG SISTEMA SA PAGSOSONA NG PAARALAN SA LUNGSOD NG NEW YORK?

Ang Lungsod ng New York ay tahanan sa pinakamalaking sistema sa pampublikong paaralan sa bansa. Ang Kagawaran ng Edukasyon ng NYC ay nahahati sa 32 distrito ng pangkomunidad na paaralan at sila ay nagsisilbi sa higit 1 milyong mag-aaral sa higit 1,500 paaralan.

Ang sinumang bata sa pagitan ng edad na 5 at 21 ay may karapatan sa libreng pampublikong edukasyon. Ang isang bata ay maaaring italaga sa paaralan na nasa loob ng sona na nakabase sa address ng tirahan. Hindi kailangan ng bata ang isang green card o Social Security na numero upang magrehistro para sa pag-aaral.

Dahil sa lumalaking popularidad ng mga lugar at paaralan, hindi palaging posible para sa isang mag-aaral na pasukan ang paaralan na na naisona para sa kanya. Sa kasong ito, ang bata ay malalagay sa listahan ng mga naghihintay (waiting list) at ang Office of Student Enrollment ng Department of Education ay itatalaga ang bata sa isa pang katabing paaralan./p>

// Paaralan ng Elementarya o Elementary School (Edad 5 hanggang 9)

Ang mga paaralan ng elementarya ay nagsisilbi sa mga bata na nasa grade K-5. Ang bata ay tinatanggap sa kindergarten sa taon na siya ay nagiging 5 taong gulang. Nangangahulugan ito na kung ang iyong anak ay naging edad 5 sa kahulihan ng Setyembre, Oktubre, Nobyembre o Disyembre, siya ay maaaring magsimula sa pag-aaral sa Setyembre ng taong iyon.

Kung ang iyong naisonang paaralan sa lugar ay puno na sa kanyang kapasidad, ang bata ay itatalaga sa isang katabing paaralan na may magagamit na espasyo.

Ang ilang mga pampublikong paaralan ay mayroong mga pre-kindergarten na klase para sa mga bata na edad 4 na taong gulang pa lamang bago ang ika-31 ng Disyembre. Ang mga programa ay maaaring 2½ oras o 6 na oras 20 minuto sa isang araw.

5 Nangungunang Paaralan ng Elementarya sa New York

  1. 1. Sa itaas ng listahan, ang New Explorations into Science, Technology and Math (NEST+m) ay isang pampublikong paaralan na nag-aalok ng isang akademikong mapaghamon na programa, mula sa mga grade KG-12, na nakakaakit ng mga matatalinong mag-aaral mula sa lahat ng limang boro. Ang NEST+m ay matatagpuan sa school district #1, Lower Manhattan.
  2. Ang ika-2 ay ang Anderson School (PS 334), isang K-8 gifted at talented na pampublikong paaralan sa Upper West Side ng Manhattan. Ang sonang distrito ng paaralan ay #3.
  3. Ang ika-3 pinakamahusay na paaralan sa listahan ay ang Lower Lab School (PS 77). Ito ay isang gifted at talented (G&T) na pampublikong paaralan sa Upper East Side na nag-aalok ng mga kailangang akademiko sa isang mas kalmadong tagpo. Nag-aalok ng klase mula sa mga grade KG-5, ang paaralan ay matatagpuan sa distrito #2.
  4. Ang nasa ika-4 na ranggo ay ang Kingsbury (PS 188). Ang pampublikong paaralan na ito ay matatagpuan sa Queens at nagpopokus ito sa pagkakaloob ng hinihimok ng mga pamantayan na instruksyon sa isang mapang-aruga na kapaligiran, habang binubuo ang kagalingan sa pakikipagkapwa-tao. Ang Kingsbury ay mayroong mga grade PK-5 at ito ay nakatayo sa distrito #26.
  5. Ang ika-5 ranggo na paaralan ay ang Special Music School - isang bukod-tanging pampublikong paaralan sa distrito # 3 na para sa mga batang nahandugan ng talentong musikal. Ang paaralan ay nag-aalok ng mga grade KG-8 at gumagana bilang isang pampubliko/pribadong samahan sa pagitan ng New York City Department of Education at Kaufman Music Center, isang organisasyon ng maramihang sining at hindi para sa kita.

Iklik upang makita ang lahat ng mga paaralan ng elementarya ayon sa rehiyon.

// Gitnang Paaralan o Middle School (Edad 10 hanggang 14)

Gitnang Paaralan o Middle School (Edad 10 hanggang 14) Ang mga middle school ay nagsisilbi sa mga bata sa mga grade 6-8. Tuwing taglagas, ang lahat ng mga ika-5 grader na nakapag-enroll sa isang pampublikong paaralan ng elementarya sa Lungsod ng New York ay tumatanggap ng pinasadyang aplikasyon sa middle school. Ang aplikasyon ay mayroon ng lahat ng mga middle school kung saan ang bawat mag-aaral ay karapat-dapat na mag-apply. Ang mga mag-aaral ay kinukumpleto ang aplikasyon sa pamamagitan ng pagraranggo ng mga paaralan ayon sa pagkakasunod-sunod ng pagkagusto at ibinabalik ang aplikasyon sa kanilang kasalukuyang paaralan. Ang mga aplikasyon ay dapat na maisumite sa o bago mag-Disyembre at ang mga sulat ng pagpapasya ay mayroon na sa panahong patapos na ang tagsibol.

Ang mga batang naninirahan sa mga lugar na hindi na kayang lakarin mula sa kanilang paaralan ay maaaring magkwalipika na makatanggap ng libreng Metrocard para sa transportasyon.

5 Nangungunang Gitnang Paaralan (Middle Schools) sa New York

  1. Mamie Fay. Sa itaas ng listahan, ang Mamie Fay ay isang pampublikong paaralan na nag-aalok ng akademikong programa, mula PK-8, na iniuugnay ang Araling Panlipunan (Social Studies) sa lahat ng kanyang kurikulum gamit ang mga mapagkukunan at teknolohiya na nakabatay sa literatura. Ang Mamie Fay ay matatagpuan sa distrito ng paaralan # 30 sa Astoria, Queens.
  2. Anderson School (PS 334). Muli, ang ating ika-2 ay ang Anderson School (PS 334), isang K-8 gifted at talented na pampublikong paaralan na nasa Upper West Side ng Manhattan sa Lungsod ng New York. Ang sonang distrito ng paaralan ay # 3.
  3. Christa McAuliffe School (IS 187). Ang ika-3 pinakamahusay na paaralan sa listahan ay ang Christa McAuliffe School (IS 187). Ito ay isang pampublikong paaralan sa Brooklyn na nag-aalok ng tatlong akademya: Scientific Research, ang Humanities, at Business at Law - may sarili itong palapag, oras ng pananghalian, at tatlong band (isa sa bawat grado na nasa loob ng akademya). Nag-aalok ng mga klase mula sa mga grade 6-8, ang paaralan na ito ay matatagpuan sa distrito # 20.
  4. New Explorations into Science, Technology and Math (NEST+m). Ang nasa ika-4 na ranggo ay ang New Explorations into Science, Technology and Math (NEST+m). Ito ay isang pampublikong paaralan na nag-aalok ng isang akademikong mapaghamon na programa, mula sa mga grade KG-12, na nakakaakit ng mga matatalinong mag-aaral mula sa lahat ng limang boro. Ang NEST+m ay matatagpuan sa school district #1, Lower Manhattan.
  5. Special Music School - Ang ika-5 ranggo na paaralan ay ang Special Music School - isang bukod-tanging pampublikong paaralan sa distrito # 3 na para sa mga batang nahandugan ng talentong musikal. Ang paaralan ay nag-aalok ng mga grade KG-8 at gumagana bilang isang pampubliko/pribadong samahan sa pagitan ng New York City Department of Education at Kaufman Music Center, isang organisasyon ng maramihang sining at hindi para sa kita..

// Mataas na Paaralan o High Schools (Edad 15 hanggang 18)

Ang mataas na paaralan ay pinagsisilbihan ang mga bata sa mga grade 9-12. Sa lungsod ng New York, ang mga mag-aaral ay dapat na mag-apply upang makadalo sa isang pampublikong mataas na paaralan. Tuwing taglagas, ang mga ika-walong grader ay dapat na magsumite ng isang listahan ng aplikasyon nang hanggang sa 12 programa ayon sa pagkasunod-sunod ng pagkagusto. Ang mga aplikante ay itinutugma sa isa sa kanilang mga piniling paaralan ayon sa prayoridad ng admisyon, lokasyon at pagiging available ng mga upuan. Ang mga resulta ng round 1 ay lalabas sa Marso.

Heto ang isang timeline sa proseso ng aplikasyon:

  • Panahon ng tag-init: Kilalanin ang mga Paaralan sa inyong distrito ng sona
  • Disyembre: Isumite ang aplikasyon para sa mataas na paaralan sa guidance counselor ng ika-8 grade
  • Pebrero-Marso: Ang mga admisyon ay inaanunsyo
  • Huling Bahagi ng Tagsibol: Mamiling umapela kung hindi nasisiyahan sa pagkakapuwesto

Heto ang ilang mga tip sa paghahanda para sa proseso ng aplikasyon:

5 Nangungunang Mataas na Paaralan sa New York

  1. Bryam Hills High School. Sa itaas ng listahan, ang Bryam Hills High School ay isang kilalang apat na taong co-educational pampubliko na paaralang sekundaryo na matatagpuan sa Armonk, New York. Ang Bryam Hills High School ay nag-aalok ng mga grade 9-12 at nakatayo sa Bryam Hills Central School District.
  2. Stuyvesant High School. Ang ika-2 ay ang Stuyvesant High School, karaniwang tinatawag bilang Stuy, ay isa sa siyam na Specialized High Schools sa Lungsod ng New York, na nag-aalok ng mga grade 9-12. Pinatatakbo ng New York City Department of Education, ang mga paaralang ito ay nag-aalok ng mga pinabilis na akademiko nang walang matrikula para sa mga residente ng lungsod. Ang distritong paaralan ay # 2.
  3. Alfred-Almond Junior-Senior High School. Ang ika-3 pinakamahusay na paaralan sa listahan ay ang Alfred-Almond Junior-Senior High School. Ito ay isang pampublikong mataas na paaralan na matatagpuan sa Almond, Allegany County. Ito lamang ang mataas na paaralan na pinatatakbo ng Alfred-Almond Central School District. Ang paaralang ito ay nag-aalok ng mga grade 7-12.
  4. Bronx High School of Science. Ang nasa ika-4 na ranggo ay ang Bronx High School of Science. Ang paaralang ito ay isang specialized na pampublikong mataas na paaralan sa Lungsod ng New York na madalas ay itinuturing ang pinakaunang siyensyang magnet (magnet school) na paaralan sa Estados Unidos. Itinatag noong 1938, ito ay matatagpuan sa seksyon ng Bedford Park ng Bronx sa distrito # 10.
  5. Staten Island Technical High School. Ang ika-5 ranggo na paaralan ay ang Staten Island Technical High School, karaniwang tinatawag na Staten Island Tech o SITHS, itinatag noong 1988. Matatagpuan sa Staten Island, Lungsod ng New York, ang paaralan ay pinatatakbo ng New York City Department of Education sa distrito # 31.

//Escuelas secundarias no divididas en zonas (un-zoned) y especializadas

Ang un-zoned na mga paaralan ay may sarili nilang kriterya para sa mga admisyon. Maaaring ito ay maging katulad ng sa (Charter Schools), kung saan ang mga bata mula sa lahat ng lugar ay puwedeng mag-apply. Sa mga un-zoned na paaralan, ang paghirang ay ibinibigay rin sa mga taong naninirahan sa lugar.

Ang ibang mga un-zoned na paaralan ay specialized sa mga tiyak na lugar at nangangailangan na ang bawat mag-aaral ay kumuha ng Specialized High School Admission Test (SHSAT). Isang halimbawa ay ang Special Music School, kung saan ang mga bata ay sinusuri sa kanilang mga musikal na kakayahan. Ang mga puwesto sa mga paaralan na ito ay malamang na maging mapagkumpitensya.

Más de 30.000 estudiantes toman el SHAT con menos de 4.000 plazas disponibles. Los exámenes se toman generalmente en una mañana de sábado en el mes de octubre.

Higit 30,000 mag-aaral ang kumukuha ng SHSAT para sa kakaunting mga upuan na mas mababa sa 4,000. Ang mga pagsusulit ay karaniwang kinukuha sa umaga ng Sabada sa buwan ng Oktubre.

Bisitahin ang SHSAT website upang makita ang mga petsa at karagdagang impormasyon

May siyam na Specialized High Schools, ang mga admisyon sa walo sa kanila ay batay sa mga iskor mula sa Specialized High School Admissions Test:

  1. The Bronx High School of Science – Madalas na itinuturing na ang pinakaunang siyensyang magnet na paaralan sa Estados Unidos na matatagpuan sa seksyon ng Bedford Park ng Bronx.
  2. The Brooklyn Latin School – Minodelo sa likod ng Boston Latin, ang pinakamatandang pampublikong paaralan sa bansa na matatagpuan sa Brooklyn.
  3. Brooklyn Technical High School – Nagdadalubhasa sa pang-inhinyero, matematika at siyensya.
  4. NEST+m – Ang New Explorations into Science, Technology and Math ay isang pampublikong paaralan sa Lungsod ng New York na nagsisilbi sa mga grade kindergarten hanggang sa 12 na matatagpuan sa Lower Manhattan.
  5. High School of American Studies at Lehman College – Nagdadalubhasa sa araling panlipunan, kasaysayan at Ingles, matatagpuan sa Bronx.
  6. LaGuardia Arts – Ang admisyon ay batay sa isang awdisyon pati rin ang akademikong rekord ng mag-aaral. Ang paaralan ay nagdadalubhasa sa pagtuturo ng biswal na sining at sining sa pagganap, matatagpuan malapit sa Lincoln Center.
  7. Queens High School for the Sciences at York College – Kilalang maliit na paaralan na nagdadalubhasa sa matematika at siyensya, matatagpuan sa Jamaica, NY.
  8. Staten Island Technical High School – Nagdadalubhasa sa matematika, siyensya, kompyuter, pag-inhinyero, humanidades at atletiks.
  9. Stuyvesant High School - Nag-aalok ng pinabilis na akademiko nang walang matrikula para sa mga residente ng lungsod, matatagpuan sa Tribeca.

// Paano Mag-enroll

Ang mga bata edad 5-10 ay maaaring direktang magrehistro sa kanilang lugar ng paaralan, habang ang ibang mga bata (11 at pataas) ay dapat na pumunta sa isang Enrollment Office. Ang mga tagapayo sa Enrollment Offices ay maaari kayong maghanap ng inyong mga opsyon sa paaralan at mag-apply sa mga paaralan. Ang mga opisina ay bukas Lunes hanggang Biyernes mula 8 a.m. hanggang 3 p.m.

Ang mga aplikasyon para sa karamihan ng mga paaralan ay nagaganap sa Marso, ngunit pinakamagandang mag-apply nang maaga kung naghahanap ng upuan sa isang popular na paaralan.

Upang mahanap ang distrito ng paaralan kung saan ka naroon, iklik ang search tool o tawagan ang 311 (sa labas ng lungsod ng New York, tawagan ang 212-NEW-YORK).

Upang irehistro ang isang bata sa paaralan, kakailanganin niyo ang mga rekord ng bata sa pagbabakuna, sertipiko ng kapanganakan o pasaporte at anumang rekord pampaaralan mula sa iba pang mga pinasukang paaralan. Ang mga bata na may Individualized Education Plans (I.E.P) ay dapat din ipresenta ang dokumentasyon.

Dagdag pa rito, ang Lungsod ay mangangailangan ng dalawang dokumento na nagpapatunay na ang bata ay naninirahan sa Lungsod ng New York. Ang ligal na tirahan ng bata ay ang tahanan ng kanyang mga magulang o ligal na tagapag-alaga. Ang katunayan ng paninirahan ay maaaring ibilang ang utility bill at anumang iba pang opisyal na dokumento na may address ng bahay.

Para sa mga hindi-residente, ang isang matrikula (tuition fee) ay maaaring kailanganin upang makadalo sa isang Pampublikong Paaralan sa Lungsod ng New York. Gayunpaman, ang mga hindi-residente ay hindi makakapag-enroll sa mga specialized high school o mga programang talentado.

Mas higit pang impormasyon ang matatagpuan sa Website ng Department of Education..

//Ang Ingles bilang isang Pangalawang Wika

Ang mga bata na may limitado hanggang sa walang pag-unawa ng Ingles ay maaaring makilahok sa mga programa ng Ingles bilang Pangalawang Wika o English as a Second Language (ESL) sa loob ng mga paaralan. Sa kasong it, ang mga guro ay bibigyan ang mag-aaral ng isang pagsusulit upang masukat ang lebel ng Ingles.

Ang mga magulang na hindi nagsasalita ng Ingles ay may karapatan din sa mga pagsasalin ng mga mahahalagang dokumento at sa mga tagapagsalin sa pagdaraos ng mga meeting kasama ang kawani ng paaralan.

Ang mga batang kailangang kumuha ng programa ng ESL ay dadalo sa ilang regular na klase kasama ang mga mag-aaral na nagsasalita ng Ingles at makikipagtulungan rin kasama ang isang guro ng ESL.

Karaniwan para sa isang paaralan sa Lungsod na magkaroon ng mga bata na nag-aaral ng Ingles. May ilang bilang rin ng mga paaralan na dinisenyo para sa mga mag-aaral sa Pagkakatuto ng Wikang Ingles o English Language Learner students (ELLs).

Sa kasalukuyan, ang Queens, Bronx at Brooklyn ang siyang may pinakamalaking populasyon. Ang EEL na populasyon ng Manhattan ay markadong mas maliit, habang ang Staten Island ay ang boro na may pinakamaliit na bilang ng ELLs. Kahit na sila ay mas maliit kung ihahambing, ang mga EEL na populasyon ng Manhattan at Staten Island ay nananatiling may kalakihan.